Wednesday, 4 March 2020

Kakulangan ng edukasyon.... Nagpapawala ng mga oppurtunidad.


                                                 
                               


                                Ang kinabukasan ng ating bansa ay nasa kamay ng mga kabataan. Ang ating kinabukasan ay napapanganid dahil sa kakulangan ng edukasyon ng mga kabataan. Ang mga kabataan sa ating bansa ngayon ay mas gusto nilang mag trabaho kaysa pumasok sa paaralan. Hindi naman ako nag sasabi na ayaw nilang pumasok dahil ayaw nila  kundi  hindi sila pumapasok sa paaralan dahil ito lamang ay nag papalaki sa lahat ng gastusin nila sa bahay. Ang resulta naman sa kakulangan ng kanilang edukasyon ay sila ay minamaliit at nahihirapan sa paghanap ng trabaho. Dahil sila ay nahihirapan ng paghanap ng trabaho napilitan silang magtrabaho na may mababang sahod. Ang resulta naman sa kanilang mababang ay hindi nila mabibigyan ang kanilang mga anak ng mabuting edukasyon. Makikita natin ang epekto ng kakulangan ng edukasyon sa Noli Me Tangere at sa kasaysayan ng ating bansa. Sa Noli Me Tangere ang mga pilipino ay minamaliit at iniinsulto ngunit hindi natin ito nalalaman dahil hindi tayo nakakaintindi ng espanyol dahil sa kakulang ng ating edukasyon. Sa kasaysayan naman ng ating bansa ay ang ating mga kababayan ay samantalahin ng mga espanyol dahil sa kakulang ng ating edukasyon.


        Isa sa mga dahilan ng kakulangan ng edukasyon ng ating bansa ay ang kakulangan ng silid aralan at mga  guro. Ang kakulangan ng silid aralan ay nag reresulta ng paghati sa mga mag aaral sa umaga at sa gabi. Ang kakulangan naman ng mga guro ay nagbibigay hirap din sa problema dahil kulang ang mga guro na magtuturo para sa umaga at gabi. nagkaroon naman ng kakulangan ng mga guro dahil maraming kabataan na hindi na gustong mag turo dahil sa maliit na sahod ng mga  guro.
Ang ating pamahalaan ay may gingawang aksyon para matulungan ang problemang ito. Ang kanilang ginawang aksyon ay ang Republic Act 10931. Ang batas na ito ay nagsasabi na may libreng tuition at ibang gastusin sa paaralan. Ang batas na ito ay nagsasabi na sa mga local na unibersidad, pambansang unibersidad at iba pang paaralan mayroong programa na tumutulong sa mga mag aaral na mahirap. Ang hindi makakasali lamang sa programang ito ay ang ang magaaral na mayroong degree na. Kahit na may ginagawang aksyon ang ating pamahalaan ngunit ang mga kabataan ay hindi gustong mag aral ay ang ating kinabuksan ay nanganganib. Upang maligtas ang kinabukasan ng ating bansa ay ang kabataan natin ay mag aral ng mabuti. bilang mga kapamilya ta kaibigan kailangan nating hikayatin ang isa't isa na mag aral ng mabuti.


     Ako ay naniniwala sa kasabihang: Ang edukasyon ay ang ating sandata sa mundo natin ngayon. Ang kakulangan ng edukasyon ay may malaking epekto sa kinabuksan ng ating bansa. Kapag ang namuno ng ating bansa ay kulang sa edukasyon maaring niya ilagay sa panganib ang ating bansa dahil sa isang maling desisyon. Kung kulang naman ng edukasyon ang ating mga kababayan ay maaring sasamantalahin sila ng mga taong may mas edukado at dahil dito ay  magiging mahirap ang kanilang buhay. Mahihirapan rin silang humanap ng trabaho dahil mayroong maraming kompanya na hindi tumatanggap ng mga tabahanting may maliit na antas ng edukasyon. Dahil nahihirapan sila sa paghanap ng trabaho ay hindi nila maabigyan ang kanilang mga anak ng magandang edukasyon. Kapag hindi nila mabigyan ang kanilang mga anak ay iikot na ang kanilang karanasan. hindi ako nag sasabi na kung ikaw ay mahirap hindi ka aangat sa buhay. Ang sinasabi kulang ay masmahirap ang mgiging karanasan mo kaysa sa mga mayayaman. Huwag gawing dahilan ang kahirapan sa hindi mo pag angat sa buhay. Kapag mayroong kagustuhang umasinso at ikaw ay masipag sa pag aaral ay ikaw ay magiging matagumpay sa buhay.